Martes, Oktubre 9, 2012

Short Story


 “MAGKAPATID”

Ito ay isang istorya tungkol sa dalawang magkapatid na dumaan sa maraming pagsubok, pagtanggap sa katotohanan na siyang ginamit nila para magpatuloy at maging matibay ang kanilang relasyon bilang magkapatid.
Isang Araw
Si mae ay nagbibihis na para pumasok sa eskwelahan, habang ang kanyang ate Rae ay naghahanda na ng kanilang almusal, Mae, halika na dito, kumaen na tayo ng almusal, maleleyt ka na” sabi ni Rae.
Sagot ni Mae “opo ate malapit na ako, wait lng po”
At natapos na si mae sa pagbihis at sabay na silang kumaen ng Ate Rae niya.
“ Nasaan si Papa at Mama?” tanong ni Mae
“ Nauna na sila, maaga kasi sila pag lunes” sagot ni Rae
“Ahhh, okay, tapos na ako, tara ate”sabi ni Mae
“oh cge mauna ka na sa labas, hintayin mo ko, iligpit ko lang itong pinagkainan natin” Sagot ni Rae.

Pagkatapos maghugas ni rae ng kinainan nila ay pumasok na ang dalawang magkapatid sa eskwelahan
Sabi ni Rae “ Mae, magaral ka ng mabuti ha, wag mo muna papansinin yung mga magpapansin sayo na mga boys, di natin kasalanan na maganda tayo”
Sagot ni Mae” ahahahah opo ate! Masusunod po!

Natapos na ang buong araw ng dalawang Magkapatid sa eskwelahan at sabay na silang Umuwi
Sabi ng Nanay “ oh mga anak. Bakit kayo ginabi?”
Sagot ni Rae” may binili lang po kami ni Mae para sa project nya”

Pumasok na ang magkapatid sa loob, habang naiwan ang nanay nila sa labas.
Pa, ang bilis ng panahon, ang laki na ng dalawang anak natin, dalaga na sila, sabi ng Nanay
Sagot ni Tatay “ oo nga Ma, sigurong tamang panahon na para sabihin natin kay Rae na adopted lang siya bago niya pa malaman nang hindi natin sinasabi sa kanya”
Sagot ni Nanay “ Ngayon na natin sabihin Pa sa kanya”
Pumasok na ang magasawa para kausapin ang dalawa nilang anak

Sabi ni Nanay “ mga Anak tara kumaen na tao ng hapunan at may sasabihin ang Papa niyo
Sagot ni Rae “ opo”
Sagot ni Mae “ opo”

At kumaen na ang magkapamilya, Masaya nagtatawanan sa mga pinaguusapan nila.
Sabi ni Tatay “ mga anak may sasabihin kami ng mama nyo, making kayong maigi ha, nasa tamang edad na kayo, sana maintindihan nyo kami”
Sabi ni Rae” po? Anu pong ibig nyong sabihin?”
Sabi ni Mae “ Di po namin kayo Maintindihan”
Sabi ni Tatay “ Hindi talaga kayo magkapatid, Rae at Mae
Sabi ni Rae “ Po? Panu po yun nangyari?
Sabi ni Tatay” Inadopt ka naming nung bata ka pa Rae, ang akala kasi naming ng mama nyo, hindi na siya magkakaanak, pero biyaya ka sa amin Rae, dahil nung araw na nagdesidido kaming alagaan ka at ituring kang tunay na anak, Isang taon lang ang lumipas, nabuntis ang mama nyo sa hindi maipaliwanang , at naipanganak si Mae”

Hindi maipaliwanang ang reaksyon ni Rae sa mga oras na yun, pagkatapos ng paguusap na yun ay Nagkulong siya sa kwarto, magdamag siyang umiiyak, lumapit ang kaniyang nanay at sinabing
“Anak, wag ka nang umiyak, pasensya na at ngayon lang naming ito nasabi, pero tandaan mo mahal na mahal ka namin ng papa mo, yan ang wag mong kakalimutan”

Pagkatapos ng pangyayare iyon ay nagbago na si Rae, gabi na siya kung umuwi, bumaba ang mga grado niya sa eskwelahan, habang si Mae ay palaging malungkot dahil sa ang dati nilang samahan ng ate niya ay nawala na pag kinakausap niya ang ate niya, palagi na lang itong galit, habang ang mga magulang ni Mae ay wala namang magawa sa pagrerebelde ng anak nila, nagtuloy tuloy ang pagrerebelde ni Rae, hindi umuuwi ng bahay, napagdesisyonan ng mga magulang ni Mae na pabayaan na lang si Rae sa gusto niyang mangyari sa buhay dahil hindi rin naman sya nakikinig sa mga magulang, para maging leksyon sa kanya ang kanyang pinag dadaanan. Pagkatapos ng 2 taon ay bumukod na si Rae kasama ang kanyang kinakasama, habang si Mae ay ipinagpatuloy sa pagaaral sa maynila. Isang araw ay nagkasalubong ang Landas ni Mae at Rae, sa tagpong ito pagkatapos ng 6 taon ay napagdesisyonan ni Rae na kausapin ang kapatid.

Rae: kamusta ka na Mae??
Mae: ayus lng po ate, kayo po? Kamusta na po kayo?
Rae: (ngumiti lang) Ikaw ba? Kamusta na pagaaral mo?
Mae: ayus lang po, eto gragraduate na po ako next year, accountancy po ang course na kinuha ko.
Rae: ah ganun ba? Si mama at papa? Kamusta naman sila?
Mae: ok lang naman po, ahmm ate di po ba kayo dadalaw sa amin?
Rae:ahmm..hindi ko alam. yung totoo na buntis ako, at sa kasamaang palad ay nalaglag ang dinadala kong bata, nalaman ko kasing nambabae yung kinakasama ko e..nag away kami yung nagdulot ng pagkawala ng bata sa sinapupunan ko. Iniwan din ako ng lalaking yon at sumama sa bago nyang kinakasama. Nahihiya ako kay mama at papa, dahil kahit Adopted child lng ako ay tinuring nila akong tunay na anak, pero anung ginanti ko? Nagrebelde ako, tsaka ko na lang na realize na maswerte ako dahil minahal nila ako at binigyan nila ako ng isang kapatid na tulad mo, Wala na akong magagawa dahil nagawa ko na ang pakakamaling ito. Pero hindi pa naman huli ang lahat para magsimula ng panibago. Sorry Mae dahil sa akin nagka problema pa ang pamilya natin pero kahit na ganun, inintindi pa din ako nila papa at mama, at kahit na lumayo ako, palagi lang silang nandyan handang tangapin ako anu man ang nagawa kong pagkakamali.
Mae: ok lang po yun ate, mahal na mahal ka nila papa at mama, anu man ang nagawa mo , Iintindihin ka pa rin nila.
Rae: oo nga ehh, ang laki ng pasasalamat ko dahil sa pamilya mo ako lumaki at naalagaan. Hayaan mo babalik din ako, sorry sa lahat ng nagawa ko, Sana maibalik natin yung dating samahan natin Mae.
Mae: ok lang po yun ate, naiintindihan kita, masaya ako at nagkausap tayo, at sana magtuloy tuloy na po ito, anu man ang nangyari sa nakaraan, tapos nay un, sana makapagsimula ulit tayo ate.
Rae: salamat Mae, oo magsisimula ulit tayo.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay naging maayos na ang lahat, Si Rae ay nakahanap na ng trabaho, habang si Mae naman ay nakagraduate na, Si Rae ay bumalik sa Bahay nila Mae at nagsama sama ulit sila. Ano naman ang nagawa natin sa nakaraan, wala na tayong magagawa dahil nangyari nay un, ang mahalaga ay matuto tayo sa mga pagkakamaling iyon, at magsilbing aral para sa atin na siyang gagabay sa mahabang biyahe natin dito sa mundong ibabaw. 

Dito na natatapos ang kwento, sana nagustuhan ninyo. :)

BY: Joena Mae Domingo





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento